VISION
Sambayanan ng mga Alagad,
pinagpapanabago at pinagbubuklod ng Banal na Espiritu, pinagpahayagan at nagpapahayag ng Mabuting Balita, sa pagkalinga at halimbawa ng Mahal na Rirheng Divina Pastora, na may katapatan sa katuruan ng Inang Simhahan, masayang nagdiriwang ng mga hiwaga ng kaligtasan,at malugod na naglilingkod sa kapwa lalo na sa mga dukha at api, tungo sa buhay na ganap at kasiya-siya.
MISSION STATEMENT
Kami, bilang Sambayanan ng mga Alagad ni Kristo sa Diocesis ng Cabanatuan, na kumikilala sa:
-kabutihanat pagmamahal ng Diyos,
-misteryo ng kaligtasang handog ni Kristo
-walang maliw na pagsubaybay ng Espiritu Santo,
-gampanin ni Kristo bilang Pari, Propeta at Hari,
-pagkalinga ng Birheng Divina Pastora,
-karangalan at pananagutan ng tao bilang nilalang na anak at kawangis ng Diyos,
ay nagtatalaga n gaming sarili:
-sa bukas-loob na paghubog, matapat na pagsunod at pagpapahayag ng Salita ng Diyos,
-sa pagmamahalan at pagkakaisa na may pagkilala, pagpapahalaga at paggalang sa kakayahan at katangian ng bawat isa,
-sa buhay at makahulugang pagdiriwang ng mga sakramento at patuloy na pananalangin,
-sa payak na pamumuhay, na may malasakit sa mga dukha at api, at sa buhay paglilingkod sa kapakanan ng katotohanan, katarungan at kaganapan ng sangnilikha, tungo sa buhay na ganap at kasiya-siya.
About Diocese of Cabanatuan

Location
Cabanatuan City, Nueva Ecija

Divina Pastora
Year of Foundation
1963

St. Nicholas Tolentine
Cathedral,Dambana, Mayapyap, Talavera, Natividad, Pinagpanaan.
St. Rose of Lima
Sta.Rosa, San Leonardo, Aliaga, Biblicat, Zaragoza, Sta. Barbara
St. John Nepomucene
Jaen, Cabiao, Calaba, San Isidro, San Antonio
Maria Assumpta
Bongabon, Gabaldon, Laur, Palayan City, Bangad
Divina Pastora
Gapan, Baluarte, San Nicolas Gapan, Penaranda, Gen. Tinio, Sta. Cruz Gapan
Special Ministries
Maria Assumpta Seminary, College of the Immaculate Conecption, Bishop’s Residence